naiinis ako. oo naiinis talaga ako. saan? sa mundo. sa mga nasa paligid ko na ayaw akong sumaya. sa mga bagay na pumipigil sa akin na ngumiti, na sa wakas maging maligaya. inis na inis ako. totoo. naiinis ako na sa loob ng isang linggo, samu't saring kamalasan na ang hinarap ko. maraming nasira, sobrang dami. nakakaloko. nakakagago. sa sobrang dami, gustong gusto ko na magpasagasa sa gilmore habang naglalakad ako dun. baka kasi kapag naaksidente ako, umayos na ang lahat. mahalin na ako ng mundo. baka kung nangyari yun, pumasa na ako sa theo. baka kapag nangyari yun, hindi ko na kailangan umulit at pagbigyan na yung mga one point o 0.5 point ko from passing ng mga prof sa psych. baka sakaling maintindihan ni gross na wala akong maintindihan sa kanya kaya hindi ako pumapasok sa klase niya. baka sakaling pag nangyari yun, umayos na ang mundo ko. pero hindi, baka mamatay ako e. hindi pa pwede kasi takot pa akong mapunta sa hell. baka madisgrasya lalo yung buhay ko pag ganun, di pa ako makakuha ng moksha. o kaya baka maging anay o ipis ako sa next life. tsaka wag muna. lalaban muna ako hangga't kaya ko pa. ipaglalaban ko yung mga bagay na alam kong magpapasaya sa akin. wala akong magagawa kung ayaw ng mundo na makita akong masaya. pero wala ring magagawa ang mundong ginagalawan ko para pigilan ako kung gusto kong sumaya.
mabait naman akong tao e. wala akong ibang ginusto kundi makitang masaya yung mga tao sa paligid ko. ayokong makasakit ng kahit sino. kaya kahit ako na ang masaktan, sige lang. tatahimik na lang ako. hindi pa ako pwedeng magpasagasa kasi baka pag nagkamalay ako, malaman ko na test lang pala ang lahat ng 'to. yung parang sa saw III, sinusubukan lahat ng mga taong walang pagpapahalaga sa buhay nila. kaya wag muna, sayang naman kung yun ang ikamamatay ko. kung lulunurin lang ako sa kadiring bagay galing sa baboy para mamatay ako, ang babaw naman. kadiri pa. ang baho ko. baka di pa ako dalawin ng mga tao.
patalo ang buhay ko. pero nagpapasalamat pa rin naman ako sa mga maliliit na bagay na nagbibigay sa akin ng lakas na pagpatuloy pa 'to. yung mga maliliit na bagay na pinanghahawakan ko. yung mga bagay kung bakit kahit sobrang lungkot ko na at kahit paiyak na ako, nakakahanap pa rin ako ng dahilan para ngumiting mag-isa at magmukhang katawa-tawa.
nagpapasalamat din ako sa mga kaibigan ko. yung mga taong natatakbuhan ko pa. yung mga taong natatawa na lang sa mga drama ko. yung mga taong kahit na natatawa, alam kong naiintindihan ako. yung mga taong naiisip na may pakiramdam pa rin ako. yung mga taong alam kapag nasasaktan na ako. yung mga taong hindi bastos para hindi maisip na kahit puro lang ako tawa, nasasaktan din ako ng sobra. yung mga taong tanggap ako sa mga maliliit na pagkakamaling nagagawa ko dahil lang sa kagustuhan kong magpasaya ng tao. yung mga taong naniniwalang ako pa rin 'to. na kahit kailan, hindi ako naging plastik at pekeng kaibigan kahit kanino. salamat sa inyo. kasi sa ngayon, kayo na lang ang dahilan kung bakit mukhang malakas pa rin ako. kayo yung dahilan kung bakit kahit patalo ang mundong ginagalawan ko, masaya pa rin ako. salamat sa mga yakap kapag bigla na lang akong naiiyak sa mga bagay na dinadala ko. salamat sa realidad na walang halong pananakit. salamat sa pagbibigay sa akin ng mga bagay na panghahawakan ko.
salamat sa tiwala, at paniniwala sa akin. oo. ako pa rin ito. ako pa rin naman si kate e. yung kate na matagal tagal niyo na rin nakilala. walang nagbago. ako pa rin yung kate na tanga, pero totoo. ako yung kate na itinutuloy yung mga bagay na alam niyang magpapasaya sa kanya kahit na alam niya na masasaktan pa rin siya sa huli. ako pa rin yung kate na mababaw lang ang kaligayahan. ako pa rin yung kate na nagpapasalamat sa mga maliliit na bagay na nagpapasaya sa kanya. ako pa rin yung kate na handang gawin ang kahit anong gusto ng kaibigan niya. cut tayo ng klase, sige. samahan mo ako dito, sige. ako pa rin yun. ako pa rin yung kate na handang ipaglaban ang kaibigan pero hindi ang sarili. ako pa rin yung kate na kahit kailan hindi manlalaglag ng mga taong mahalaga sa kanya. ako pa rin yung kate na hindi marunong gumanti.
at sa mga naniniwala na ako pa rin yung kate na yun, salamat. mahal ko kayo. salamat dahil kayo pa rin yung dahilan kung bakit hindi ako nagpasagasa sa gilmore at tinatawanan ko na lang yung ideya na baka umulit ako ng theo 121. salamat kasi kayo pa rin ang mga kaibigan ko, ang mga katuwang ko sa mga oras na ganito.
sa hindi, mahal ko pa rin kayo.
-kate ranting vol. 1456822 Chapter 156457154983145 verse 1565348643