Dalawampung Hakbang sa Dambana
Isa, Dalawa, Tatlo…
Alam kong gasgas na ang linyang ito pero anu’t ano pa,
Hayaan mong sabihin kong walang anumang salita
Mula sa kahit ano pang lenguwahe ang magbibigay kahulugan
Sa pakiramdam ko ngayon.
Ikakasal ka na.
Mula sa kinalalagyan ko,
Dahan-dahan mong binabaybay ang gitna ng simbahan,
Hindi ko mapigilang lumuha ng maliliit na patak.
Ikaw ba talaga ‘yan?
Makailang pikit na ang ginawa ko,
Tinatanong ang sarili kung ikaw nga ba ang babaeng nasa traje de boda.
At kahit anong pikit ang gawin ko,
Ikaw nga iyon.
Parang kailan lang, kalaro kita kasama ang ibang bata.
Alam ko pa ang itsura mo noon;
Tisay pero bulok ang ipin,
Naka-ponytail ka na palagi noon pa, at chubby.
Bibo kang kalaro sa piko, pero kapag pikon ka na sa pang-aasar nila
Dahil sa lagi kang natutumba pag isang paa na lang ang gamit
Sa number 3 o kaya 4 na box sa piko,
Sa akin ka iiyak at aawayin ko sila.
Madalas nila tayo tuksuhin pero wala lang sa iyo iyon.
Natutuwa naman ako noon dahil sa akin ka lumalapit.
Para sa akin, ikaw na ang bestfriend ko.
Apat, Lima, Anim…
Binibilang ko ang mga hakbang mo sa altar.
Ilang segundo na lang ay hindi ka na single.
Masaya ka kaya habang naglalakad?
May luha ka din sa mata, nakikita ko.
Pero ang tanong na bumabalot sa isip ko ay kung luha ba ‘yan
Ng kagalakan o kalungkutan.
Hindi kita naging kaklase sa grade school.
Palibhasa lagi kang nasa star section.
Sa service lang kita nakakasabay, at habang
Kumakain tayo ngcotton candy ay nagkukuwentuhan tayo
Sa mga nangyari sa araw natin sa school.
At alam ko, nalulungkot ka noon
Kapag bababa na ako sa bahay namin.
Magba-bye ako sa’yo habang aandar ang service
At magtititigan tayo.
Close tayo nung elementary.
Ako ang bestfriend mong lalaki
At ikaw naman ang tangi kong bestfriend na babae.
Pito, Walo, Siyam…
Mahal na mahal kita.
At habang pinagmamasdan kita sa maganda mong gown
Ay parang natutunaw ako sa kinalalagyan ko.
Nasa kalagitnaan ka na at maya maya pa ay
Magsisimula na ang seremonya.
Nag-high school tayo sa parehong school at
Sa kabutihang palad ay ka-section kita.
Lalo pa tayong naging close kahit pa parating magkaaway
Ang mgabarkada mong babae at ang mga barkada kong lalaki.
Pero di gaya nung mga bata pa tayo,
Sa iba ka na tinutukso.
Sampu, Labing-isa, Labing-dalawa…
Pakiramdam ko,
Palakas nang palakas ang tugtog ng kasal habang papalapit ka sa altar.
Nakangiti ka at kung minsa’y natitingin mo ang mata mo
Sa ibang taong nagagalak habang pinagmamasdan ka.
Nasa sa iyo ang lahat ng atensyon.
Nagkaroon ka na ng maraming boyfriend.
Ako naman ay umasa lamang na maibig mo.
Wala akong ibang inalayan ng pagmamahal kundi ikaw.
At tuwing pinapaiyak ka ng mga magagaling mong ex,
Telepono ko ang kumikiriring.
Kaya nga noong nauso ang kantang "Halaga" ng Parokya ni Edgar,
Ay sobrang tinamaan ako.
Labing-tatlo, Labing-apat, Labing-lima…
Maligaya ka sa panahong ito, alam ko.
Ikaw pa, kilalang-kilala na kita.
Bestfriend kita eh.
Mula ulo hanggang paa, kilala kita.
Kakatawa pero naaalala ko pa noong mnga bata pa tayo,
Alam ko na ang mga panty mo ay yung may burdang
Monday, Tuesday hanggang Friday.
Alam ko na noong elementary ay galit ka sa Sibika at Kultura
At sa principal nating tinawag nating Miss Minchin.
Noong high school,
Alam ko pa kung sinu-sino ang mga nagging crush mo.
Kabisado na kita.
Alam ko kung mainit ang ulo mo, kung malungkot ka,
Kung hindi maganda ang pakiramdam, kung nae-excite
At lahat lahat.
Alam ko din kung maligaya ka,
At kung hindi man ako nagkakamali,
Nararamdaman kong masaya ka ngayon habang patungo sa altar.
Labing-anim, Labing-pito, Labing-walo…
Basta maligaya ka, masaya ako.
Yun naman ang gusto ko parati, ang maligaya ka.
At ang tanging hiling ko sa panahong ito ay
Ang panghabambuhay mo nang kaligayahan.
Ayan na malapit ka na sa altar.
Labing-siyam…
Ekasaktong ikalabing-siyam na ang hakbang mo,
Nabilang ko sa isip.
Congratulations.
Masaya ako at alam kong masaya ka rin
Ngayong ikakasal ka na…
Dalawampu…
…sa akin…
cute diba?